Saturday, April 14, 2007

RELIVING THE WORST.

AT 3 YEARS OLD.
Hindi ko talaga to maalala pero laging topic sa mga kwentuhan pag may reunion ang mga matatanda. Bigla na lang may magpapaalalang nung 3 yrs old daw ako, at may business pa yung parents ko sa may Pag-Asa Market dito sa Olongapo, naligaw daw ako at muntikan nang masagasaan. Dahilan? May sinundan daw akong pusa, at umabot ako sa kabilang side ng palengke hanggang sa gilid ng kalye. Buti na lang, nahabol ako ng tita ko.

AT 5 YEARS OLD.
Iniyakan ko nang husto ang buhok ko. Halos madehydrate nako sa kakaiyak nang makita kong sobrang iksi ng buhok ko, sinisigawan ko pa yung nag-gupit. Sa edad kong yun, gusto ko nang mamatay. Nakasimangot ako sa class picture nung kinder 1 (gusto ko sanang i-scan, kaso wala kaming scanner :p ) dahil buwisit na buwisit talaga ako nun.

AT 5 YEARS OLD ULIT
Nako, maiksi lang ito. Hindi naman kasi ako mahilig sumali sa mga pageant sa school. Naman! Eh no choice, kinausap ng teacher ko yung nanay ko para isali ako sa school kasi walang rep ang section naman. Matapos lahat ng hustle and bustle sa contest, awards night na. Dahil hindi ako sanay maglakad ng nakagown, aksidente kong natapakan yung dulo ng skirt ko nang paakyat ako sa stairs. Napakapit ako sa teacher ko at naoff-balance kaming pareho. malas lang at sinusundan ng spotlight kapag umaakyat ka.

AT 7 YEARS OLD
Grade one. May bully sa room. I WON'T EVER FORGET THAT BRAT'S NAME. RYAN FAJARDO!!! Hindi ko alam kung pano, pero nadislocate yung daliri ko (forefinger) dahil sa kanya! Pesteng bata yun. Alala ko, science pa ang subject namin nun, last period. Pag-uwi, sinumbong ko siya sa nanay nya. :))

AT 10 YEARS OLD
Grade four. Nakikipaglaro ako sa kaklase ko, uwian ito. Pagbaba ko sa floor ng room namin, sinalubong ako nung lola ng classmate ko na yun at sinampal nya ko!!! Apparently, may sakit daw sa ulo ang classmate ko na yun at akala nya eh sinasaktan ko sya kahit trip-trip lang. Principal's office ang bagsak namin nun. Umaapoy sa galit si mudra, at na-ban naman ang lola sa school grounds habang buhay.

Part one muna to. If I remember others, post ko agad. Hay, para akong magnet ng misfortune noon. :

No comments: